LIVE

Tired of scams? Your report cleans this country.

Na scam so as travel package

· Oct 05 · 👁 41 · ▲ 0
May nakita akong travel package online na sobrang mura. Hotel, flights, tours, at transfers na raw lahat. Dahil may upcoming trip ako, nag-message ako sa page. Professional silang kausap at nagpadala pa ng itinerary at booking confirmation. Pinabayad nila ako ng deposit para ma-reserve yung package. After payment, sinabi nilang may problem daw sa airline booking at kailangan ng additional payment para ma-confirm ang ticket. Nagbayad ulit ako. Then may hotel confirmation fee naman. Doon ako nagsimulang mag-check directly sa airline at hotel. Wala palang booking under my name. Fake lahat ng confirmation na pinadala nila. Pagbalik ko sa Facebook page, hindi ko na ito makita. Minsan talaga, kapag sobrang ganda ng travel deal, kailangan doble ingat. Mas mabuting i-verify mismo sa airline o hotel bago magpadala ng malaking halaga.
💬

Comments 5

  • · Oct 05

    Minsan pag to good to be true , isipin mo na scam agad

  • · Oct 05

    Sa lahat ng aspekto may scam talaga eh

  • · Oct 05

    Mas okay na lang mag hintay ng deals directly sa airline

  • · Oct 05

    Paano na yan hindi na makukuha an pera

  • · Oct 05

    Kada isang tao isang Page sa Facebook? Taena ang galing naman 😂