LIVE

Tired of scams? Your report cleans this country.

Na scam ako sa CAR sale

· Oct 05 · 👁 36 · ▲ 0
May nakita akong second-hand car online na sobrang ganda ng condition at mas mura kaysa sa market price. Nag-message ako sa seller at sinabi niyang kailangan daw niyang ibenta agad dahil lilipat siya ng bansa. Nagpadala siya ng pictures ng OR/CR, driver’s license, at video ng sasakyan. Mukhang legit lahat. Sinabi niya na maraming interested kaya kailangan kong magbayad ng reservation fee para ma-hold yung unit. Nagpadala ako. After that, sinabi niyang kailangan daw ng additional payment para sa transfer documents. Doon ako nagsimulang magduda. Nung sinabi kong gusto kong makita muna nang personal yung sasakyan bago magbayad ulit, bigla siyang nagalit at sinabi niyang ibibigay na lang niya sa ibang buyer. Hinahanap ko yung address na binigay niya pero wala namang sasakyan doon. Tinawagan ko yung number at hindi na sumagot. Masyado akong na-excite sa presyo kaya hindi ko na-check nang maayos kung totoong seller at totoong vehicle yung pinopost.
💬

Comments 5

  • · Oct 05

    Parang medyo may kasalanan ka din, masyado naging careless🫠

  • · Oct 05

    Masyado maganda ang presyo? Scam na yan agad

  • · Oct 05

    Lahat nalang may bayad? LT amp 😂

  • · Oct 05

    Atleast ngayon alam nyo na po, hindi na po kayo Ma sscam

  • · Oct 05

    Ingat lagi pag online transactions, maganda po yung sinasabi na dont give money muna