LIVE

Tired of scams? Your report cleans this country.

Muntik mawala buong savings account ko

· Oct 06 · 👁 36 · ▲ 0
Guys sobrang muntik na talaga. 😭 May tumawag sa akin na parang bank representative. Alam niya yung name ko at last few digits ng account ko kaya naniwala ako na legit. Sabi niya may suspicious transaction daw sa account ko. Kinabahan ako agad. 😭 Sabi niya kailangan ko raw i-verify yung account para ma-secure. Nagpadala siya ng link. Pag-open ko, mukhang exact copy ng bank website. Buti na lang may maliit na detail akong napansin. Ibang URL pala. Hindi ko tinuloy. Tinawagan ko yung bank gamit yung number sa likod ng card ko. Sabi nila wala silang tumawag sa akin at phishing link daw yun. Grabe yung kaba ko. 😭 Imagine kung nilagay ko doon yung username, password at OTP ko. Simula ngayon, kahit mukhang official pa, tatawag muna ako mismo sa bank
💬

Comments 5

  • · Oct 06

    Buti nalang hindi mo na bigay yung OTP kung oo wala na talaga

  • · Oct 06

    Pumunta nalang sa mismong bank, halos lahat ng text message scam

  • · Oct 06

    Hirap mag tiwala kahit kanino talaga

  • · Oct 06

    Sakit non pag na wala lahat ng inipon mo

  • · Oct 06

    Wala legit na transaction hinihingi otp mo