LIVE

Tired of scams? Your report cleans this country.

Fake airline agent

· Oct 07 · 👁 34 · ▲ 1
May nag-message sa akin na travel agent daw. May discounted ticket daw sila kaya sobrang mura. Since may upcoming trip ako, nag-inquire ako. Nagpadala sila ng itinerary at booking reference. Mukhang legit talaga. Nagbayad ako ng ₱6,500. After payment, sinabi nila na kailangan daw ng additional payment dahil hindi raw kasama ang airport tax. Medyo suspicious na ako kaya tinawagan ko yung airline. Walang booking reference na ganun. 😭 Fake pala yung confirmation. Pag-message ko ulit sa agent, seen lang. After a few hours, deleted na yung page. Bye ₱6,500. 😭💔
💬

Comments 5

  • · Oct 07

    Walang airline agent na mag memessage sayo directly dapat alam mo na scam yun

  • · Oct 07

    Sakit naman non may trip ka tapos nawala pa ang 6.5, pwede pang gastos or pang bili yun sa ibang bansa

  • · Oct 07

    Ng scam lang sila ng 6.5 tapos nawala na agad ang page, grabe noh wala ka din magagawa pag ganon kasi sarili mo mismo ng send ng pera eh

  • · Oct 07

    Ingat din talaga sa mga message scams halos lahat don ng sisimula eh

  • · Oct 07

    Okay lang po yan, ma ka karma din sila ng malala