LIVE

Tired of scams? Your report cleans this country.

Foreign boyfriend Scam

· Oct 01 · 👁 39 · ▲ 0
Hindi ko akalain na mangyayari sa akin ito. May nakilala ako online na foreigner. Mabait siya, consistent mag-message, at halos araw-araw kaming nag-uusap. After a few months, naging close talaga kami at sinabi niyang seryoso siya sa akin. Eventually, sinabi niya na magpapadala raw siya ng package sa Pilipinas na may gifts at pera para sa akin. After a few days, may nag-message sa akin na courier daw. Sabi nila, nasa customs na raw yung package at kailangan kong magbayad ng customs clearance fee bago ma-release. Nagpadala ako. Pagkatapos, may panibagong message na kailangan daw ng insurance fee. Nagbayad ulit ako. Then may “anti-money laundering verification” daw bago ma-release yung package. Doon ako nagsimulang magduda 😐. Sinubukan kong kausapin yung taong nakilala ko online pero puro dahilan na lang ang binibigay niya. Eventually, nawala na siya at hindi na nagreply. Doon ko nalaman na scam pala lahat😭. Yung package, malamang wala naman talaga. Yung relationship namin, parte lang pala ng modus para mapagkatiwalaan ko siya. Ang sakit kasi hindi lang pera yung nawala. Yung tiwala ko rin sa mga taong nakikilala online. 💔
💬

Comments 6

  • · Oct 01

    Parang first time ko marining yung gantong kwento

  • · Oct 01

    Parang first time ko marining yung gantong kwento

  • · Oct 01

    Kaya hindi ma tiwalaan ang mga tao sa online eh

  • · Oct 01

    Grabe noh mga tao pati sa pag scam ginagamit ang pag mamahal

  • · Oct 01

    Daming klaseng scam sa mundo ngayon

  • · Oct 01

    Kailagan talaga magkita kayo ng “kachat” mo bago mag isip gumastos ng kahit isang piso