May nakita akong post tungkol sa scholarship program na supposedly nagbibigay ng malaking educational assistance. Nag-apply ako online.
After a few days, may tumawag sa akin at sinabi nilang qualified daw ako. Sobrang saya ko dahil malaking tulong sana iyon sa tuition.😌Pero sinabi nila na kailangan ko raw muna magbayad ng processing fee bago ma-release ang scholarship.
Nagbayad ako. Then sinabi nila na may additional verification fee dahil daw international funding yung scholarship. Nagbayad ulit ako. Nung tinanong ko kung bakit kailangan magbayad para sa scholarship, biglang naging defensive yung kausap ko. Sinubukan kong hanapin online yung organization at doon ko nalaman na wala palang official scholarship program na ganun.Fake pala yung Facebook page at yung mga testimonials.
Buti na lang hindi na ako nagpadala ng mas malaking amount. Kung may scholarship na nakita online, i-check muna kung may official website at kung listed talaga yung program bago magbigay ng personal information o pera. 🥹
💬
Comments 5
-
· Oct 05
Wala nga pera mga study nang scam
-
· Oct 05
Binili yan yung mga testimonials, madaming ganyan para mang scam eh
-
· Oct 05
Scholarship nga ang dami pang Fees 😆
-
· Oct 05
Ingat talaga sa mga scammers, ang dami din sa Pinas eh
-
· Oct 05
Ang galing naman mag panggap ng mga scammers na mukhang legit