LIVE

Tired of scams? Your report cleans this country.

Pakeng message

· Oct 06 · 👁 31 · ▲ 0
May natanggap akong message na nanalo raw ako ng ₱100,000. Hindi naman ako sumali sa kahit anong raffle kaya dapat obvious na scam. Pero sobrang professional nung message. May winner number, reference number, at pangalan ng supposed company. Sinabi nila na kailangan ko lang magbayad ng ₱2,500 processing fee para ma-release yung prize. Muntik na akong matawa pero naisip ko ring i-check yung company. Walang official announcement tungkol sa raffle. Yung Facebook page na nag-message sa akin ay bagong gawa rin. Fake pala. Nakakatawa isipin na muntik akong magbayad para sa prize na hindi ko naman sinalihan. 😭 Lesson learned: Kung hindi ka sumali, mahirap manalo. 😭
💬

Comments 5

  • · Oct 06

    Yung mga message na panalo ka lahat yun peke

  • · Oct 06

    Wala kang ginawa nanalo ka ng 100k 😂🫠

  • · Oct 06

    Sa sobrang professional ng message dapat na duda ka na

  • · Oct 06

    Nanalo ka nga bibigyan mo pa ng pera, ingat din talaga

  • · Oct 06

    Everyday ang dami ng memessage sakin ng ganyan na message eh, lagi ko report yung number kasi halata na scam message