Guys, sobrang muntik na akong mabiktima kanina.
May nag-message sa Messenger gamit yung account ng pinsan ko.
Sabi niya nasa police station daw siya at kailangan niya ng ₱10k urgently. May problema raw sa motor at kailangan bayaran agad.
Since kilala ko yung account, hindi na ako masyadong nagduda.
Ready na sana akong mag-transfer.
Pero naisipan kong tawagan yung pinsan ko.
“Ano ginagawa mo?”
Sabi niya nasa bahay lang daw siya. 😂
Na-hack pala yung Messenger niya.
Sobrang nakakatakot kasi alam ng scammer kung paano magsalita yung pinsan ko at gumagamit talaga ng pictures niya.
Kaya guys, kahit account pa ng close friend or relative, tumawag muna kayo directly kapag pera ang usapan.
Isang tawag lang, baka makaiwas ka sa malaking problema. 😭
💬
Comments 5
-
· Oct 07
Buti nalang na tawagan nyo yung pinsan nyo kung hindi wala na 10k nyo
-
· Oct 07
Ang galing eh noh, ng hack para mag scam
-
· Oct 07
May ganon din ng yare sakin dati eh, buti nalang kayo hindi ng bigay. Ako na scam ako 😭😭
-
· Oct 07
Hindi man lang sinabi na hack yung account n’ya, wala ata s’ya sinabi sa lahat
-
· Oct 07
Daming scammers talaga sa mundo