LIVE

Tired of scams? Your report cleans this country.

Akala ko nakakuha ako ng magandang apartment

· Oct 07 · 👁 31 · ▲ 0
Guys share ko lang kasi baka may iba ring naghahanap ng apartment ngayon. May nakita akong condo unit online. Ang ganda, fully furnished, near everything, tapos ₱15k/month lang. Sobrang mura kaya nag-message ako agad. Sabi nung owner nasa province daw siya kaya hindi niya ako ma-meet personally. Pinadalhan niya ako ng video ng unit, contract at pictures ng ID niya. Mukhang legit talaga. 😭 Sabi niya may ibang interested kaya kailangan ko raw magdeposit ng ₱15k para ma-reserve. Buti na lang bago ako magbayad, pumunta ako sa condo building. Nakita ko yung unit number. May ibang tao palang nakatira doon. 😭 Yung pictures pala galing sa old listing. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Buti na lang hindi ako nagpadala.
💬

Comments 5

  • · Oct 07

    Ginanahan ka pa mag check talaga ng apartment 😆

  • · Oct 07

    Daming paraan para mang scam

  • · Oct 07

    To good to be true ngani

  • · Oct 07

    Buti nalang hindi po kayo na scam, ang daming scam ng yare sa mga kakilala ko po huhu

  • · Oct 07

    May pa id pa sya talaga kanino kaya yung id na yun